-- Advertisements --

Hindi bababa sa 1,000 indibidwal ang naabutan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development Office sa bayan ng Columbio Sultan Kudarat.

Ang naturang ayuda ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ng ahensya.

Bawat benepisyaryong Indigenous Peoples ay nakatanggap ng tig P3,000 cash at welfare goods.

Nanguna sa pamamahagi ng tulong si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo kasama si Governor Datu Pax Ali Mangudadatu.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang gobernador sa opisina ni Rep. Tulfo at ang DSWD dahil sa paghahatid nito ng tulong sa kanilang mga kababayan.

Tiniyak naman ni Tulfo na mananatiling bukas ang kanilang tanggapan sa mga mahihirap na nangangailan ng tulong mula sa gobyerno.