-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dagdag na mga volunteers para maghanda ng mga relief goods na ipapamahagi na naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkang Kanlaon.

Ayon sa DSWD na mayroong mahigit 12,000 na pamilya o katumbas ng 48,000 na indibidwal ang naapektuhan at nasa evacuation centers ng Negros Occidental at Canlaon City.

Ang nasabing bilang ay mula sa 28 barangay na apektado sa iba’t-ibang lugar.

Sinabi ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao na mula ng pumutok ang bulkang Kanlaon ay nagpamahagi na sila ng mga tulong na pagkain at maging tulong pinansyal.

Mahigpit ang kanilang ugnayan sa local government unit sa lugar para agad na maiparating ang kanilang tulong.