Nanawagan ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga volunteers upang makatulong sa nagpapatuloy na repacking ng mga family food packs.
Ito ay kasabay pa rin ng ginagawang pagtulong sa mga biktima ng bagyong Carina kung saan ang mga food packs ay ipapadala sa mga biktima ng Carina at habagat.
Ang mga volunteer ay nakatakdang ideploy sa mga repacking center sa DSWD-National Resource Operations Center, Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.
Para sa mga interesadong volunteer, pinapayuhan ang mga ito na magsuot ng mga kompurtableng damit, closed toe shoes, at magdala ng mga water bottle container.
Maari namang magrehistro ang mga volunteers sa pamamagitan ng DSWD Volunteer Registration site habang maaari ring tumawag ang mga volunteer sa pamamagitan ng dswd.gov.ph or 09260612646.
Ayon sa DSWD, may nakalaan na P2.5 billion na pondo para sa mga biktima ng bagyo, pagbaha, at ang nagpapatuloy na pag-ulan, habang nakahanda na rin ang stockpile ng mga food packs na ipapamigay sa mga biktima.