-- Advertisements --

Kasalukuyang nananawagn ng tulong at volunteers ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa repacking ng mga family packs na ipapamahagi sa mga residenteng apektado p rin ng naging explosive eruption ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa departamento, isang malaking tulong para sa kanilang ahensya ang mga gustong sumali at magpaabot ng kanilang tulong upang mapabilis ang distribusyon ng mga ito sa mga residente ng Negros.

Hinihimok rin ng ahensya na ang mga nais mag-volunteer ay tumungo lamang sa kanilang repacking center sa DSWD-National Resource Operations Center sa Pasay City.

Samantala, ang mga interesadong magbahagi ng kanilang tulong ay tatanggapin ng ahensya mula Lunes ganggang Sabado 8:00am ng umaga hanggang 5:00pm ng hapon.

Paalala naman ng DSWD sa mga dadalo na magsuot ng closed shoes at komportableng kasuotan pati na rin sariling pagkain at tumbler.