-- Advertisements --

Umapela ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa mga kandidato ngayong halalan na seryosohin ang pangangampanya sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.

Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, kailangang itaas ng mga kandidato ang antas ng diskurso ng kanilang pangangampanya sa taong bayan.

Mas mainam rin aniya na huwag gumamit ng mga salitang nakaka alipusta sa mga ito.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod nang video na kumalat online kung saan naglabas ng komento ang isang kandidato para sa mga solo parent.

Ayon sa kalihim, ang ganitong mga pahayag at pananalita ay malinaw na hindi nakakatawa.

Nagpapakita lamang ito ng pangmamaliit sa kanila.

Punto pa ng kalihim na ang lahat ng solo parent sa bansa ay maituturing na bayani dahil sa kanilang pagtataguyod ng mag-isa sa kanilang anak at pamilya.