Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development sa mga lider ng bansa na protektahan ang karapatan ng batang Pilipino sa pamamagitan ng pagsuporta sa judicial processes na naka disenyo para pagpapanagot sa batas sa mga perpetrators
Ayon sa ahensya, ilan sa mga public figures ay siya umanong pasimuno ng mga horrific acts sa halip na maging huwaran at tagapagtanggol ng mga biktima.
Giit pa nito na hindi sila maaaring manahimik sa harap ng mga mabibigat na kasong ipinupukol laban kay KOJC Pastor Apollo Quiboloy.
Ang kanila aniyang ahensya ay may mandatong tiyakin ang kaligtasan ng mga indibidwal na kabilang sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.
Kabilang sa kanilang tinututukan ay nag mga alegasyon ng human trafficking, sexual exploitation, at pang-aabuso sa mga menor de edad.
Sa gitna ng mga kontrobersyang bumabalot kay Quiboloy, nagpahayag ng suporta ang DSWD sa mga umano’y biktima nito.
Tiniyak rin ng ahensya na buo ang kanilang pangako na mabibigyan ng katarungang nararapat ang mga biktima at ang mga boses nito ay maririnig.