-- Advertisements --

Nakiusap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs) na magpadala na lamang ng mga representatives imbes na personal silang kumuha ng mga ayuda mula sa gobyerno.

Ayon sa DSWD, mas maigi na lamang na ang mga kaanak ng mga senior citizens at may kapansanan ang kumuha ng anumang tulong mula sa gobyerno lalo na kapag ito ay ginaganap sa mga matataong lugar na delikado na magkahawaan.

Maaari na rin na gumawa na ng sulat ang mga senior citizens na nagbibigay otorisasyon sa kanilang kaanak na kumuha ng anumang ayuda mula sa gobyerno.

Nanawagan din ang DSWD sa mga LGU kung maaari ay ipamigay ang mga ayuda sa bawat bahay na lamang.