Target ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpapaabot ito ng tulong sa isang sampaguita vendor na pinag-usapan online.
Umani nga ng samut-saring reaksyon ang isang vendor ng sampaguita sa labas ng isang establishment kung saan ay sinira ng isang security guard ang kanyang paninda.
Ayon sa ahensya, hinahanap na nito ang babae at lalaking vendor na kasama sa video.
Kabilang sa ibibigay ng DSWD ay ang psychosocial support at iba pang assistance.
Layon nito na hindi na bumalik pa ito sa kalsada para magbenta ng sampaguita.
Plano rin nito na makipagpulong sa pamunuan ng isang mall at maaaring talakayin ang kaukulang pagsasanay sa kanilang mga personahe.
Sinibak naman ng naturang mall ang nasabing gwardya at mariing kinondena ang insidente.