-- Advertisements --

Sang-ayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa panukalang pansamantalang pagpapalaya sa mga inmates na may sakit at mga madaling madapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa DSWD na walang magiging problema sa panukala ni Leyte Rep. Vicente ‘Ching’ Veloso, House Committee on Justice sa pagpapalabas ng mga may-edad at maysakit na mga detainees sa mga siksikan na detention facilities.

Madali kasing madapuan ang mga inmates ng sakit sa mga siksikan na detention cells.

Nanawagan rin ang ahensya na agad dapat itong tugunan ng mga otoridad para sa temporaryong pagpapalaya ng mga inmates.