-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na patuloy ang kanilang mga hakbang upang malabanan ang kagutuman sa Pilipinas.

Ayon sa ahensya, kanilang pinapagbuti ang lahat ng kanilang mga programa at serbisyo para sa mga Pilipino na nakararanas ng gutom dala ng kahirapan.

Sa isang panayam , binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao ang mga hakbang na ito ng ahensya.

Tinalakay rin ang usapin sa mga ginagawang intervention ng Marcos Administration matapos ang naitalang bahagyang pagtaas sa hunger rate na umabot sa 27.2 percent batay sa nakalipas na survey ng SWS nitong Marso lamang.

Patuloy aniya ang pagkilos ng DSWD para labanan ang kagutuman maging ang malnutrisyon sa pamamagitan ng mga programa.

Ito ay kinabibilangan ng Walang Gutom program, Walang Gutom Kitchen at maging ang Supplementary Feeding Program.

Aabot narin aniya sa mahigit 300,000 household beneficiaries ang nakikinabang sa mga programang ito habang plano pa itong madagdagan sa susunod na taon.