-- Advertisements --
LA UNION – Patuloy ang pagmo-monitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region One sa mga 4Ps benificiaries na gumagawa ng paglabag sa alintuntunin ng nasabing programa ng gobyerno.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo La Union ni Jaecem Gaces, Information Officer ng DSWD Region One Field Office.
Maalala na noong buwan ng Hunyo sa kasalukuyang taon, mayroong 50 mga benipisyaryo ang naitala ng departamento na ‘misbehave’ at gumagawa ng paglabag sa alintuntunin ng programa, gaya ng pagsusugal at pagsasanla sa ATM card.
Dahil dito ay binalaan ang mga benipisyaryo na patuloy na lumalabag sa alituntunin na puwede silang maalis sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).