Naihatid na ng Department of Social Welfare and Development ang inisyal na tulong para sa mga apektadong residente mula sa MIMAROPA dahil sa mga pagbaha sanhi ng mga pag-ulan sa rehiyon.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa mahigit kalahating milyon na inisyal na tulong ang naipaabot sa mga apektadong lokal na pamahalaan para ipamahagi sa kanilang ng residente.
Partikular na dito sa mga lugar na labis na naapektuhan at nakaranas ng matinding pagbaha at mga insidente ng pagguho ng lupa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na nakapaghatid sila ng food packs sa Palawan.
Ang lalawigan ay nakaranas ng matinding pagbaha dulot ng mga pag-ulan sa nakalipas na araw.
Nakipag coordinate na rin ang DSWD Field Office 8 – Eastern Visayas sa mga lokal na pamahalaan para matiyak na maihahatid ang kaukulang tulong.
Ayon ahensya, aabot na ngayon sa 34,692 pamilya mula sa 197 barangays ng MIMAROPA at Eastern Visayas Regions ang nanatiling apektado ng masamang lagay ng panahon.