-- Advertisements --
image 299

Patuloy na pinagbubuti ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pagtugon sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-update sa mga pasilidad ng Operation Center ng Philippine Red Cross.

Nais matiyak ni DSWD Secratary Rex Gatchalian na ang kagawaran ay may pinakamahusay na paraan upang makatugon at mabigyan agad ng tulong ang mga taong nangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Dagdag pa rito, binigyang-diin ng kalihim ang layunin ng departamento na ilapat ang umiiral na command center sa DSWD bilang bahagi ng pag-upgrade ng disaster response ng ahensya.

Matatandaang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na simula ng kanyang panunungkulan, tututukan niya angpagpapahusay ng logistics sa pamamagitan ng paglalagay ng mga warehouses hindi lamang sa mga regional offices kundi pati na rin sa mga munisipyo, hihingi din siya ng tulong sa mga pribadong sektor dahil sila ay mayroong malakas na koneksyon at magandang mekanismo sa pagtugon sa kalamidad.