Patuloy ang Department of Social Welfare and Development sa pagsasagawa ng crash course sa camp coordination and management sa Negros Occidental kung saan pumutok ang bulkang Kanlaon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahalaga ang pagsasagawa ng crash course ng ahensya ng pamahalaan sa naturang lalawigan.
Makatutulong rin ang hakbang na ito lalong lalo na sa mga Internally Displaced Persons doon.
Batay sa datos ng DSWD, aabot sa 14 na Child Development Workers habang 10 tauhan ng La Castellana Local Government ang kasalukuyang sumasailalim ngayon sa pagsasanay ng DSWD.
Nagsagawa rin ito ng kaparehong aktibidad sa Himamaylan City na kung saan ay nakilahok ang mga City Child Development Workers, Public School Teachers, Barangay Officials, at Health Workers sa naturang lungsod.