-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Karagdagang 1.3 milyong household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang bina-validate ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang patuloy nitong nililinis ang listahan ng 4Ps.

Inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na patuloy ang pagsusuri sa mga benepisyaryo upang matukoy kung sino sa kanila ang maaaring magtapos sa programa.

Base sa datos, sa 1.3 milyong kabahayan na na-validate, 196,539 ang na-delist dahil sa iba’t ibang dahilan, kabilang ang “natural attrition, waiving of membership at graduation from the program.”

Mahigit sa isang milyong benepisyaryo ng 4Ps, na ngayon ay nauuri bilang hindi mahihirap, ang nag-exit sa programa.

Sinabi ni DSWD spokesman Romel Lopez na ang Social Welfare and Development Indicators (SWDI) tool ay gagamitin para masuri at masubaybayan ang antas ng kalagayan ng pamumuhay ng mga 4Ps household.