Nais palakasin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagsasagawa ng mga psychological interventions nito para matugunan ang tumataas na bilang ng teenage pregnancy sa bansa.
Ito ay magagawa sa ilalim ng ‘ProtecTEEN’ na programa ng naturang ahensya.
Sa naging datos kasi mula sa Commission on Population and Development (CPD) nasa kabuuang bilang na 142,276 na mga adolescent mothers ang naitalang nanganak noong 2023.
Inihayag ng CPD ang nakakaalarmang pagtaas sa bilang ng mga batang ina na wala pa sa edad ng 15 taong gulang.
Samantala, sa kabuuang bilang na 2,411 na nanganak noong 2019, tumaas hanggang 3,343 ang bilang ng mga nagbubuntis at nanganak na mga batang ina na nasa edad na 15 na taong gulang pababa.
Sa ngayon ay nakaantabay ang DSWD sa datos na ito kaya naman inilunsad ang ‘ProtecTEEN’ program ngayong taon.
Una namang nagumpisa na ang pilot testing nito sa mga probinsiya ng Malaybalay, Bukidnon at sa Antipolo City.