Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga local government units (LGUs) ng apektado ng lindol sa Leyte, Camarines Norte, at Davao Occidental para sa posibleng technical assistance at resource augmentation.
Ang koordinasyon at monitoring ay ginagawa sa pamamagitan ng mga Field Office (FOs) nito sa mga kinauukulang lalawigan.
Hindi bababa sa P417,000 halaga ng relief assistance ang naipamahagi na ng DSWD FO Region 8 sa 364 na pamilyang naapektuhan ng magnitude 5.1 na lindol na tumama sa Leyte noong Enero 15.
Tatlong daan animnapu’t apat na bahay ang nasira ng natural na kalamidad sa nasabing lugar.
Tiniyak ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa P1.2 billion ang halaga ng naka-standby at stockpile funds bilang response operations sa mga apektadong lugar.
Mahigit P857 million na halaga rin ng food at non-food items ang nakahanda sa iba’t-ibang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Offices sa buong bansa.