-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development na patuloy nilang palalakasin ang paghahatid ng social protection programs para sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa ahensya, ito sa ilalim ng  top priorities ng proposed 2025 National Expenditure Program na siya namang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mataas din na budget ang inilaan ng ahensya social protection bilang pagtalima sa kautusan ng Punong Ehekutibo.

Batay sa datos ng DSWD, umabot sa P229.3 billion ang  proposed budget ng ahensya para sa susunod na taon.

Halos kalahati naman ng approved National Expenditure Program ng DSWD ay mapupunta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.