-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa publiko laban sa naglipanang seller ng mga pekeng PWD IDs.

Kaugnay nito ay hinikayat ng ahensya ang lahat na ipagbigay alam kaagad sa National Council on Disability Affairs ang anumang insedente ng pagbebenta ng pekeng IDs.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang PWD IDs ay ibinibigay lamangna ekslusibo sa mga indibidwal na mayroong permanenteng kapansanan at pinatutunayan ng kanilang mga LGU.

Ito ay alinsunod na rin sa NCDA Administrative Order No. 001, Series of 2008.

Binalaan rin ng kalihim ang mga magtatangkang magbenta nito na mahaharap sa kaukulang kaso para sa paglabag sa Revised Penal Code.