-- Advertisements --
image 275

Pinaghahandaan na ng DSWD ang response para sa posibleng maging epekto nitong paparating na tropical cyclone sa bansa.

Sa ngayon ay mayroon nang mga pre-work activities para sa Family Food Packs sa DSWD-National Resource Operations Center (NROC) located in Pasay City, Metro Manila.

Nakikipag ugnayan na rin ang DSWD-National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) sa mga field offices na maaaring tamaan ng nagbabadyang sama ng panahon para maayos na maipamahahinang relief goods mapa pagkain o non-food items man.

Inisyal na naihatid na ang ilang relief at supplies samantalang patuloy parin na inaalam ang mga kinakailangan ng tao upang maibigay san tamang tulong sa bawat pamilya at indibidwal.