-- Advertisements --

Pinalawig pa ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga residenteng naapektuhan ng sama ng panahon sa Eastern Visayas.

Ito ay sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program para maipaabot sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha dulot ng shear line sa Northern Samar noong Nobyembre 2023.

Namahagi na ang Field Office ng cash aid na nagkakahalaga ng mahigit P11 milyon.

Sa nasabing halaga, mayroong kabuuang 3,844 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaaan.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng cash aid sa mga susunod na araw hanggang sa maabot din ng DSWD Eastern Visayas Field Office ang target nitong mahigit 100,000 benepisyaryo na naapektuhan ng masamang panahon.