-- Advertisements --

Pinapabilis na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang implementasyon ng Food Stamp program na target na matulungan ang nasa 1 milyong pamilya ng hanggang 2027.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na mayroon silang sariling panuntunan sa pagkilala ng mga mahihirap.

Bagamat nirerespeto nito ang inilabas na computation ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Dagdag pa nito na may mga social workers sila na nagva-validate ng mga data na nakukuha nila sa NEDA at sa Philippine Statistics Authority.