Inihayag ng Department of Social Welfare and Development na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Walang Gutom 2027” food assistance program ng kanilang ahensya.
Itinaas rin nito ang bilang ng mga benepisyaryo nito sa 300,000 na mahihirap na pamilya para sa buwan Mayo ng taong ito.
Saklaw ng Food Stamp Program (FSP) ang aabot sa 3,000 kabahayan sa buong bansa simula noong Disyembre 2023.
Layon nito na makinabang ang tinayanag isang milyon na mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa 2027.
Ayon kay DSWD, Usec. Ed Punay, asahan na ang pinalaking bilang na target ngayong Mayo ng taong kasalukuyan
Ang mga benepisyaryo ng Food Stamp Program ay nakatatanngap naman ng P3,000 pesos na food credit allowance kada buwan.
Ang food credit naman na ito ay maaari nilang palitan ng masustansyang pagkain sa mga food stalls ng “Kadiwa ng Pangulo”. Kabilang sa mga dapat nilang kuning pagkain ay mga pagkaing mayroong 50% carbohydrates, 30 % protina, at 20 % na fiber
Samantala, ang Electronic Benefit Transfer na naglalaman ng mga food credit ay ibinibigay sa mga benepisyaryo.
Kinakailangan ding maghanap ng trabaho o sumailalim sa Skills Training na makakatulong sa kanila sa paghahanap ng trabaho.
Sinabi ni Punay na nagsimula ang FSP sa paunang 100 benepisyaryo mula sa Tondo sa Maynila noong Hulyo noong nakaraang taon sa panahon ng pilot launch nito habang ang bilang ng mga tatanggap nito ay tumaas sa 3,000 pamilya sa nakalipas na mga buwan.
Sinabi pa ng opisyal na ang kasalukuyang 3,000 benepisyaryo ng pamilya ay mula sa Tondo sa Maynila, San Mariano sa Isabela, Garchitorena sa Camarines Sur, Parang sa Maguindanao at Siargao Island.