-- Advertisements --
image 487

Planong mag develop ng DSWD ng isang artificial intelligence na makatutulong upang mapadali ang mga transaksyon sa nasabing ahensya, sa pamamagitan nito ay maiibsan ang pila na kadalasang reklamo ng mga tao.

Bubuo rin ng online portal para sa social welfare programs at services.

Ito ay sa tulong ng GovTech Accelerator Programme ng New Zealand na kabahagi ng DSWD sa pagsusulong ng digitalization.

Ang programme na ito ang tumutulong sa mga ahensya at iba pang organisasyon upang makagawa ng malaking impact sa pamamagitan ng kanilang sariling proseso at inobasyon.

Bagamat hindi nabanggit kung kailan magsisimula ang nasabing programa, tinitiyak ng DSWD na ito ay maipatutupad sa lalong madaling panahon para na rin sa convenience ng mga tao.

Kasama sa dumalo sa nangyaring pagpupulo ay sina Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell.