Walang patid ang pagpapaabot ng tulong at pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development ng Family Food Packs at iba’t ibang kits sa mga kababayan nating apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina.
Ilan sa kanilang hinatiran ay ang mga bayan ng Odiongan at San Andres sa Romblon, at sa mga pamilya na pansamantalang nananatili sa isang paaralan sa Meycauayan City, Bulacan.
Habang nagbigay din sila ng sleeping kits, family kits, hygiene kits at bottled water sa pamilya sa may bayan ng Malhacan diyan pa rin sa Bulacan.
Ito ay bahagi ng patuloy na aksyon ng naturang ahensya sa kanilang sinumpaang gampanin at pagtugon sa mga relief augmentation request mula sa iba’t ibang LGU.
Kasalukyan naman daw na nakikipagnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para naman sa validation at assessment sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing kalamidad.