Puspusan ang isinasagawang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga indibidwal na naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa ilang mga lugar sa Lanao del Sur at Maguindanao del Norte.
Ayon sa ahensya, nakatakda silang mamahagi ngayong Hulyo 13, 2024 ng mga Family Food Packs sa mga bayan ng Malabang, Marogong, at Picong sa Lanao del Sur at gayundin sa mga munisipalidad ng Parang at Mother Kabuntalan, Cotabato City, at Sultan Kudarat City sa Maguindanao del Norte.
Habang matagumpay namang naipamahagi ng ahensya ang 3,983 FFPs na may lamang bigas, de-latang pagkain, kape, at iba pang mahahalagang gamit bilang tugon sa mga pamilyang apektado ng nasabing sakuna.
Binigyang diin din ni Regional Director Loreto Cabaya Jr. ang kahalagahan ng pagbibigay ng agarang tulong sa ganitong sitwasyon, at naisakatuparan daw ito sa tulong ng mga lokal na pamahalaan na siyang nagtitiyak na makarating kaagad ito sa mga nangangailangan.
Samatala, siniguro naman ng ahensya na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at kalagayan ng mga apektadong indibidwal sa naturang lugar upang makapagpaabot sila ng karagdagan pang suporta kung kinakailangan.