Puspusan ngayon ang pagkilos at pagsasagawa ng mga hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga programa para labanan ang mga kumakalat na pekeng accounts, pages at links ng kanilang ahensya sa mga social media platforms.
Ayon kay DSWD Public Relations Service Director Clarissa Lara Duran, isa lamang ang bagong lunsad na ‘Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon’ Program sa mga inisyatibo ng kanilang ahensya para labanan ang disinformation at fake news tungkol sa mga programa ng kanjlang ahensya sa social media.
Aniya, alam naman ng lahat na ngayong digital age ay talamak ang paglaganap ng fake news at misinformation lalo na sa vulnerable na sektor ng lipunan na siyang pangunahing biktima ng ganitong mga impormasyon.
Kung matatandaan din aniya, marami ang kumalat na fake links sa social media na nagpapakalat na namamahagi umano ng cash grant, cash at christmas gifts ang DSWD para sa kanilang mga benepisyaryo.
Kaya naman bumuo sa pangunguna ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, ng isang inisyatibo kung saan mas malalabanan ng kanilang ahensya ang maling nga impormasyon na nakikita ng publiko sa mga platforms na ito.
Samantala, dahil naman dito ay mas kinakailangan aniya ng kanikang departamento na palakasin ang kanilang information campaigns tungkol sa mga programa ay serbisyo ng DSWD para ang mga nangangailangan ay mayroong sapat na kaalaman kung sa magiging bahagi ng mga programang ito.
Sa papamagitan din aniya ng inisyatibong ito, mas magiging maalam ang kanilang mga kliyente at ang mga aplikante sa mga programa kung ano-ano ang kanikang dapat malaman para maiwasan ang paglaganap pa ng mga fake news at makadagdag sa mga inquiries ng publiko.