-- Advertisements --

LA UNION – Naihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office One ang 7,334 family food packs na ipapamahagi sa mga pamilyang magtutungo sa mga evacuation centers sa rehiyon uno.

Sinabi ni DSWD-1 Information Officer Darwin Chan, naka-monitor sila sa galaw ng bagyo Ulysses at nakatutok sa mga lugar sa segundo distrito ng La Union, na posibleng salantain ng bagyo.

Sakaling tumindi aniya ang sitwasyon, nakahanda ang disaster response teams ng ahensiya na rumesponde kasama ang naka-activate na rin na mga emergency operation centers sa bawat LGU sa buong lalawigan at rehiyon.

Sinabi pa ni Chan, na mayroong P6.6 milyon na standby fund ang DSWD Field Office One para sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa ngayon, ang La Union ay nanatiling kalmado ang kalagayan ng panahon bagamat makulimlim ang kalangitan.