-- Advertisements --
Naghanda na ng mahigit 23,573 na family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 42 local government units ng Region 9 para sa mga pamilyang biktima ng bagyo.
Nakapagtala ng kabuuang bilang ng 58,000 na family food packs at 24,000 na non-food items ang stockpile supplies ngayon ng nturang ahensya.
Ito ay para agarang makapamigay ng tulong kung sakali mang magkaroon ng kalamidad sa mga probinsiya ng Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga City.
amantala, tuloy tuloy naman ang pagrerepack at paghahandan ng DSWD kung sakali mang madagdagan ang bilang ng mga pamilyang nangangailangan ng tulong.