-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Aminado si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary for Specialized Programs, Rhea Peñaflor na nagkaroon ng “miscommunication” sa paglaan ng alokasyon ng kanilang field office sa mga local government units (LGUs) sa buong Western Visayas.

Kaugnay ito sa pagkakamali sa bilang ng bibigyan ng tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa buong rehiyon sais.

Ayon sa kanya na naipaliwanag na ni DSWD regional director Evelyn Macapobre ang totoong nangyari sa mga LGUs.

Ipinasiguro rin niya na maghahanap ng pondo ang pamahalaan para sa mga beneficiaries na hindi makakatanggap ng tulong pinansiyal na matatanggal sa listahan dahil sa nangyaring lapses.

Nabatid na hindi isinama sa listahan ng DWSD 6 ang mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Dapat umanong magtrabaho na ang mga barangay officials at mga mayors dahil hindi ngayon ang panahon ng pagsisihan sa halip ay magtulungan upang mapabilis na ang pamamahagi ng tulong sa mga beneficiaries.