-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na iulat sa kanila ang mga kaso ng pag-abuso sa mga kabataan ngayong may umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Tugon ito ng ahensya matapos maghayag ng kanilang pagkaalarma ang child rights group na Save the Children Philippines tungkol sa umano’y malupit na pagtratong nararanasan ng mga kabataan dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Ayon kay DSWD Asec. Glenda Relova, dapat umanong maging mapagmatyag ang publiko sa mga senyales ng child abuse ngayong may ECQ.

Sakaling mayroong nais mag-ulat kaugnay sa nasabing mga kaso, i-contact lamang daw ang mga hotlines at mga social media platforms na kanilang inilaan para sa ganitong mga reklamo.

Sa naunang pahayag, sinabi ni Albert Muyot, chief executive officer ng Save the Children Philippines, nanawagan ito sa mga local government units na tumalima sa inilabas na kautusan ng DILG tungkol sa tamang pag-handle sa mga kabataang sumuway sa quarantine guidelines.

Kinondena na rin ng grupo ang serye ng mga napaulat na paglabag umano sa karatapan ng mga kabataan.