LEGAZPI CITY – Personal na nagbisita sa island province ng Masbate si Social Welfare Secretary Rolando Bautista upang alamin ang kalagayan ng mga biktima ng Magnitude 6.6 na lindol.
Dala ng kalihim kasama ang DSWD Bicol ang tulong pinansyal at foodpacks para sa mga residenteng apektado sa bayan ng Cataingan na epicenter ng lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legapzi kay Masbate Provincial Information Officer Nonielon Bagalihog Jr., bahagi ng tulong na ibinigay sa mga kababayan ang sustainable livelihood program at tulong sa pagpapatayo ng bahay.
Nagpapasalamat rin ang provincial government na makakatulong ang naturang halaga upang makabangon ng pakunti-kunti ang mga apektado.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga pamilya ay nasa mga paaralan na nagsisilbing evacuation centers.
Napag-alaman na sa tulong rin ni Masbate Rep. Tonton Kho nagpaabot rin ng tulong na P1 million ang House of Representatives at P25 million Quick Response Fund mula sa Office of the President na idinaan kay Sen. Bong Go.