Inilagay na sa Quick -Response Mode ang mga Regional Offices ng Department of Social Welfare and Development sa Mindanao dahil sa malawakang pagbaha.
Ito ay kasunod ng naging kautusan ni Secretary Rex Gatchalian sa mga Regional Director na tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang nakaranas ng mga serye ng pagbaha na nagsimula pa noong nakalipas na linggo.
Kabilang sa mga malubhang nakaranas ng pagbaha ay ang SOCCSKSARGEN, Zambonga Peninsula, at ilang mga probinsya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Patuloy naman ang ginagawang assessment ng at validation ng DSWD upang matukoy ang lawak ng pinsala, kasama na ang mga apektadong indibidwal.
Una na ring nakapagdala ang ahensiya ng dagdag na mga Family Food Packs, maliban sa mga nauna nang naka-preposisyon sa mga ito.
Una nang iniulat ng pamahalaan ang libo-libong pamilya na naapektuhan sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao na nagdulot ng mga pagbaha, pagguho at pagkatibag ng mga lupa na nagdulot ng pagkakabaon sa ilang tahanan at pasilidad.