Naniniwala si DSWD Sec. Rex Gatchalian na isang malaking kalokohan ang pagkakaroon ng P21 per meal food threshold.
Aniya, sa mahal ng bilihin ngayon ay hindi sasapat ang ganitong halaga.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng datos na inilabas ng NEDA na kung saan sinabi nito na hindi na maituturing na mahirap ang isang tao kung siya ay may kakayahang gumastos ng P64 kada araw sa kayang pagkain.
Una nang binatikos si NEDA Sec. Arsenio Balisacan dahil sa nturang datos.
Nilinaw naman ni Sec. Gatchalian, maraming food poor indicator ang PSA na siyang batayan sa paghubog ng anti-poverty programs ng gobyerno.
Kabilang rin aniya ang assessment ng mga social worker na siyang nagtutungo sa mga komunidad at nakaka kita ng tunay na sitwasyon at reyalidad.