-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Personal na binisita ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian ang lalawigan ng Surigao del Sur upang makita ang danyos na hatid ng lindol sa bayan ng Hinatuan, ang epicenter ng magnitude 7.4 na lindol nitong Sabado ng gabi.

Dumalo si Sec Gatchalian sa emergency meeting ng provincial government at tiniyak na matatanggap ngmga apektadong pamilya ang bitbit nilang mga relief goods.

Sa naturang meeting, pinuri ng kalihim ang mga concerned local chief executives sa kanilang report pati na ang provincial government ng Surigao del Sur sa pangunguna ni Gov. Alexander Pimentel dahil sa kanilang pro-active response sa nasabing insidente.

Ayon sa kalihim layunin sa personal niyang pagbisita sa lalawigan ay upang matiyak na kanilang maibibigya ang karagdagang intervention na kakailanganin ng mga apektadong residente.