Humingi ng paumanhin si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo matapos ang negatibo at nakakainsultong remark nito sa mga guro kaugnay pa rin sa pamamahagi ng educational cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Partikular na tinukoy ng grupo ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) and Teachers’ Dignity Coalition (TDC).
Una rito, sinabi ni Tulfo na baka mayroon daw mga guro na papaboran ang mga estudyante sa pamamahagi ng educational assistance dahil kamag-anak nila ang mga ito.
“Baka maulit na naman na may pinaburan si teacher dahil pinsan niya ‘yung estudyante niya. Eh alam niyo naman po ‘yung mga teacher natin. Do’n lang nakatira sa paligid-ligid. Baka na naman ma-accuse na naman ho ang mga teacher. Kawawa naman,” ang pahayag noon niTulfo.
Bilang tugon sinabi naman ni ACT Chairperson Vladimer Quetua na iresponsable ang naging pahayag ng DSWD chief.
Para naman kay TDC National Chairperson Benjo Basas, napaka-unfair daw na i-generalize ni Tulfo ang mga guro sa pag-kuwestiyon sa kanyang integridad.
Pero sinabi naman ni Tulfo na hindi raw nito layong ma-offend ang mga guro.
Ang nais lamang daw niyang sabihin ay baka mayroong mga guro na aakusahang pinapaboran ang ilang indibidwal sa pamamahagi ng financial aid para sa mga estudyante.