Siniguro ng Department of Social Welfare and Development ang pagpapaabot nila ng agarang tulong sa mga Pilipinong naapektuhan sa pag alburoto ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Dito ay ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) gayundin ang pagtitiyak na patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa mga Local Government Unit partikular na sa mga Regional Directors sa Field Office 6 (Western Visayas) at Field Office 7 (Central Visayas) para sa paghahatid ng tulong sa kanilang mga residente.
Ayon sa kanilang datos, mayroon na silang nakahanda o pre-positioned na 7,000 bilang ng mga Family Food Packs sa Negros Oriental habang mayroon namang 6,000 sa Negros Occidental.
Bukod sa nabanggit ay magbibigay pa ang DSWD ng karagdagang 40,000 family food packs para sa mga apektadong lalawigan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng kagawaran katuwang ang Disaster Response Management Group at National Resource and Logistics Management Bureau