Siniguro ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang political intervention sa pagpili ng mga benepisyaryo ng food stamp program na layuning malutas ang problema sa kagutuman sa bansa.
Sa post-State of the Nation Address (SONA), sinabi ng kalihim na ang mga benepisyaryo ng DSWD ay inilagay sa kaukulang mga programa para matiyak na ang talagang nangangailangan lamang ang makakatanggap ng ayuda.
Nilinaw din ni Sec. Gatchalian ang misconception kaugnay sa pagpili ng mga benepisyaryo ng kanilang mga programa na dumadaan muna umano sa mga political leaders na taliwas aniya.
Binigyang diin pa ng kalihim na ang lahat ng kanilang mga programa kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Food Stamp Program ay gumagamit ng Listahan bilang basehan sa pagpili ng mga benepisyaryo ng kanilang mga intervention programs.
Inihalimbawa pa ng kalihim na kanilang Food stamp progrm kung saan pinipiling benepisyaryp ay ang isang milyong pamilya na mayroong pinakamababang per capita income o P8,000 pababa kayat makakatiyak na ito ay base sa kanilang data at hindi mula sa political leaders na nasa ground.