-- Advertisements --
NAGA CITY- Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na wala umanong mangyayaring korupsyon sa kanilang mga ibibigay na tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regional Director Arnel Garcia ng DSWD sinabi nitong, hindi naman umano dadaan pa sa ibang ahensya ang kanilang mga ibibigay na tulong dahil sila mismo umano ang magpapamahagi ng mga ito.
Kung maaalala, kahapon ng kumpirmahin ng DSWD na nakaipon na silang mahigit P13M na halaga ng tulong na inaaasahang ibagsak sa mga most devastated region sa Mindanao.