-- Advertisements --
Sinimulan na ng Deparment of Social Welfare and Development ang pagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng cash for work program para sa mga biktima o nasalanta ng nagdaang kalamidad.
Ayon kay DSWD ASec. for Disaster Response Management Group Irene Dumlao, nasa 100 benepisyaryo ng ikalawang batch ang nakapag-render na ng cash for work service nitong Linggo sa pangunahing disaster response hub ng DSWD sa lungsod ng Pasay.
Kung saan tumulong ang mga benepisyaryo sa pag-repack ng family food packs sa National Resource Operations Center.
Ito ay bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan para matulungan ang mga pamilya at mga indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.