INTRO: Sinisiguro ng Department of Social Welfare and Development ang magandang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na kabuhayan sa tulong ng bagong programa ng ahensya pagdating sa sustainable livelihood.
Inilunsad ng ahensya ang bago nitong programa na may temang “Sibol:the New Sustainable Livelihood Program” kung saan kaisa dito ng ahensya ang ilang mga partners at stakeholders na tutulong sa limang taong livelihood sustainability plan ng programa.
Sa bagong programa na ito raw ay isa isa ang gagawing hakbang ng ahensya upang matulongan ang mga Pilipino sa kanilang pagsisikap na maabot ang magandang kalidad ng buhay.
Inihalimbawa pa ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tulad raw ng pananim, sasamahan ng ahensya ang bawat indibidwal na matuton tumayo sa sarili nitong mga paa.
Sa mas pinagandang programa na ito raw hindi na hahayaan ng ahensya ang isang indibidwal na magpalago ng ipinamahaging tulong, sa halip ay gagabayan ito hanggang makapag buo ng stable na negosyo.
Sa limang taon na sustainable livelihood program ng ahensya, sinisiguro ng ahensya ang capability-buildinh activities at mga karagdagang livelihood incentives.
Ihahanda rin ng ahensya ang bawat indibidwal na makapagsimula ng sarili nilang micro-enterprise o magkaroon ng stable na trabaho.
Positibo naman ni Secretary Gatchalian sa vision ng kanilang ahensya na maisasakatuparan, sa tulong na rin ng mga Local Government Unit, Private Sector, partner agencies at iba pang mga stakeholders.