DAVAO CITY – Sinuspinde ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng kanilang financial assistance para sa benepisaryo ng ahensiya dahil sa nakabinbin na pag-isyu ng Commission on Elections (COMELEC) sa notice of exemption.
Ayon pa kay DSWD Davao information officer Carmela Duron, kahit walang notice of exemption, pinagbawalan pa rin sila sa pagbibigay ng tulong sa kanilang mga benepisiyaryo.
Sa inilabas na advisory, mula kahapon ay hindi na magbibigay ang DSWD ng financial assistance at claims, cash for work, cash grants, social pension, modified shelter assistance, family food packs at supplementary feeding funds.
Sinasabing nagpatupad ang COMELEC ng ban sa pagbibigay ng tulong dahil sa election campaign season bilang bahagi ng Omnibus Election Code at Comelec Resolution No. 9585.
Sakop sa nasabing ban ang appointment o hiring ng mga bagong empleyado, pagbibigay ng bagong posisyon, promotion at pagpapatupad ng dagdag na suweldo at marami pa.
Maliban sa payout ng unconditional cash transfer (UCT) na lstahan, sinuspendi rin ang pagbibigay ng tulong sa mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).