-- Advertisements --

Sinusuri na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang Updated Digital Mapping System (DMS) para labanan ang kagutuman.

Kinuha ng DSWD ang ilang ahensiya ng gobyerno at development partners ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Convergence Program.

Ang DMS ay isang pagsisikap ng DSWD sa ilalim ng EPAHP na magpapalakas ng Community-Based Organizations at mga magsasaka.

Sa nasabing paraan ay maiuugnay nila ang kanilang market gaya ng Supplementary Feeding Program ng DSWD.

Kailangan magrehistro ang mga magsasaka sa sistema kasama ang kanilang produkto na puwedeng bilihin ng ahensiya para sa kanilang programa kontra sa kagutuman.