-- Advertisements --
image 220

Mamamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P15,000 cash assistance sa mga small at micro rice retailers sa apat na lungsod ng Metro Manila simula ngayong araw.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, handang handa na ang kanilang pondo para maipamahagi sa mga retailers.

Ang pamamahagi ng pera sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ay unang isasagawa sa mga pampublikong pamilihan ng Quezon City, Caloocan City, Manila City, at San Juan City.

Si DSWD Secretary Rex Gatchalian at DTI Secretary Alfredo Pascual ang mangangasiwa sa payout program sa Commonwealth Market sa Quezon City at Maypajo Market sa Caloocan City.

Una nang nagpulong ang DSWD at DTI noong Biyernes para i-finalize ang inisyal na listahan ng mga maliliit na retailer ng bigas na maaaring maging kuwalipikado para sa cash assistance ng gobyerno upang mabawasan ang epekto ng pagpapataw ng price caps sa regular milled rice at well-milled rice.

Sa pagpupulong, napagkasunduan ng DSWD at DTI na ang mga retailer ng bigas na matatagpuan sa mga wet market, pampublikong palengke, at iba pang pampublikong lugar, hindi kasama ang mga supermarket at convenience store, ay magiging kwalipikado para sa nasabing P15,000 cash assistance.