Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na target nilang tapusin ang pamamahagi ng livelihood assistance sa mga rice retailers na apektado ng price cap sa Huwebes, Sept. 14,2023.
Ito’y kasunod ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na bilisan ang payout bilang compliance sa election period spending ban.
Sinabi ni Gatchalian na nag-apply sila ng exemption sa Comelec hinggil sa nasabing ban.
Ayon sa kalihim target nilang tapusin ang payout sa lahat ng mga highly urbanized cities at rehiyon bago ang itinakdang deadline.
Nangako naman si Gatchalian na kanila pa rin bibigyan ng tulong ang mga hindi nakatanggap ng ayuda.
Siniguro rin nito na may sapat na pondo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), na isang regular na programa ng ahensiya.
Sa ngayon nasa 502 rice retailers na ang nakatanggap ng P15,000.00 na tulong.
Nasa P7.5 million na ang na disbursed ng DSWD na tulong sa 502 beneficiaries mula sa San Juan City, Caloocan City, Quezon City, Parañaque City, Navotas City, at Zamboanga del Sur.
Dagdag pa ni Gatchalian na nangako din ang mga legislators partikular si House speaker Martin Romualdez na maghanap ng dagdag na pondo na nasa P2 bilyon sakaling kukulangin ang DSWD ng pondo ng kanilang SLP program.