-- Advertisements --

Titiyakin umano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na validated at tama ang mga datos na ipipresinta ng mga magulang, legal guardian, at maging ng mga travel companion sa pagkuha ng travel permits para sa kanilang mga menor de edad na mga anak.

Ito ay para matiyak na walang magaganap na kahit anong child trafficking o krimen na may kaugnay sa child exploitation.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Protective Programs Ada Colico, ito ay bahagi na rin ng security protocols ng kamilang ahensya sa pagiisyu ng mga travel pemits.

Aniya, kung may mamataan mang mga inconsistencies at red flag sa datos, ay muli nilang ibeberepika ang mga natanggap na datos sa pamamagitan ng pagbibigay alam nito sa kanilang local welfare officer.

Ang local welfare officer naman ang siyang magsasagawa ng house visit sa pamilya ng bata para matiyak ang katotoohanan ng datos bago aprubahan ang mismong travel permit nito.

Samantala, binibigyan naman ng ahensya ang mga nagaapply ng travel permit ng tatlong araw kapag walang nakitang isyu sa mga dokumento at namataan ring kumpleto ang mga isinumiteng mga kaukulang papeles.

Sa ngayon simula Marso 13 ngayong taon ay nasa 1,773 applicants na ang naproseso ng ahensya.