Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang agarang paghahatid ng tulong lalo na nang malinis sa tubig sa mga residente sa lalawigan ng Camarines Sur.
Kung maaalala, hinagupit ng bagyong Kristine ang Bicol Region at halos buong probinsya ng Camarines Sur ay nalubog sa baha.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian , minamadali na ito para magamit ng mga residenteng nananatili sa mga evacuation centers.
Nakipagpulong na rin aniya ang kalihim kay Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte at ito ang kanilang naging paksa.
Nagpadala ang ahensya ng Water Purification Systems ngunit naipit ito sa may bayan ng Milaor dahil baha pa rin sa lugar.
Bukod dito ay nakipagpulong na rin ang ahensya sa Manila Water at Maynilad at kapwa nangako ang dalawang kumpanya na magbibigay ng malinis na maiinum na tubig sa lalawigan ng Camarines Sur.