Siniguro ng Department of Social Welfare and Development sa publiko na mayroong sapat na pondo ang ahensya na maipamamahaging tulong sa mga magsasakang ma aapektohan ng naka ambang El Niño.
Sa naganap na meeting sa gitna ng DSWD at Disaster Response Management Group kasama rin ang field offices ay inevaluate ang kahandaan ng regional directors sa paparating na phenomenon.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na dapat umanong matiyak na ang mga relief ay nakahanda na sa mga DSWD warehouses at ito ay available agad na maipapamahagi sa mga LGU.
Samantala, ayon naman sa mga regional directors at officers, ang mga Field offices ay naka alerto na’t naka standby ang pondo maging ang mga pagkain para sa inaasahang impact nitong tagtuyot.
Sa ngayon, mayroong mahigit P1.35 billion na pondo ang DSWD, Field Officers at ang National Resources Operations Center.
Inatasan naman ni DSWD Sec. Gatchalian ang mga field offices na patuloy na imonitor ang kalagayan sa kanilang respective areas upang maibigay ang kaukulang tulong.
Nakikipag ugnayan rin ang ahensya sa LGU upang maging malinaw ang paraan kung paano matutulongan ang mga magsasaka na magiging apektado ng El Niño.