-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang kahandaan sa paghahatid ng tulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.

Ayon sa ahensya, patuloy ang kanilang monitoring sa mga aktibidad ng bulkan sa lalawigan ng Sorsogon.

Batay sa datos ng ahensya, aabot sa mahigit 180,000 family food packs ang kanilang naihanda para sa mga pamilyang apektado.

Patuloy rin ang repacking ng mga tauhan ng DSWD Field Office 5–Bicol Region.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, naka preposition na rin ang nasa 25,000 kahon ng FFPs sa naturang lalawigan

Ilang tauhan rin ng ahensya ang nakatakdang magtungo sa apektadong lugar para personal na alamin ang kalagayan ng mga pamilyang apektado.

Kabilang sa mga lugar na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan ay ang bayan ng Juban, Irosin, at Casiguran.