Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex GatchaliaServices, Inc. (SBSI) na poprotektahan ang kanilang kapakanan sa panahon ng relocation plan at reintegration sa kanilang komunidad.
Ayon kay Sec. Rex Gatchalian, sa desisyon na ilipat ang mga pamilya sa labas ng kanilang lugar, tiniyak ng departamento na mapapanatili ang social protection.
Ang pahayag ay matapos ang pagpupulong na kung saan kabilang sa mga dumalo ay sina Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers.
Ipinaliwanag ni Secretary Gatchalian na ang tungkulin ng DSWD sa resettlement ng mga miyembro ng SBSI ay tiyakin na ang mga social protection tools ay nakaakma sa kanilang muling pagsasama sa kanilang komunidad o paglipat sa ibang lugar.
Pinakilos ng DSWD chief ang Operations Group ng Departamento upang tulungan ang pamahalaang panlalawigan ng Surigao sa pagtukoy sa mga miyembro na maaaring muling isama sa kani-kanilang komunidad at sa mga nangangailangan ng aktwal na relokasyon.
Sinabi ni Governor Barbers na ang iminungkahing relocation at resettlement master plan ay dapat matugunan ang kinakailangang tulong sa pabahay at relokasyon para sa humigit-kumulang 390 SBSI na miyembro ng Socorro group.
Nagsimula nang maghanda ang pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Norte para sa paglipat ng mga miyembro ng Socorro group matapos suspindihin ng DENR ang 2004 Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) sa SBSI, habang naghihintay ng karagdagang imbestigasyon sa umano’y paglabag sa mga batas ng Pilipinas.